Super Psycho

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

super psycho(n.) an immensely disturbed individual who is obsessed with ranting, whining, and blabbering about his life. severely unstable and emotionally undefined, a super psycho should always be dealt with at a distance greater than 50 feet and, with some few doses of aspirin.

WHO THE HELL IS SUPER PSYCHO?
Name:Empermeen Mallawee
Nickname:Elp, Elf, Elfer, Elper, Emper, Empermeen, Buknoy, Boknoy, Bok, Mallawee
Age: I am 15. And I mean it.
Address: Honestly?
Favorite Color: Green, Orange
Favorite Food: Rodic's Jumbosilog
Motto in Life: Abolish our selves.
Favorite High School Subject: Biology
Most Hated High School Subject: Values Education
Most Unforgettable Experience: When I abolished my self.
Most Embarrassing Experience: When I abolished my self.
Who is your Crush: My self.
Do you think autograph questions are dumb?: Super.
So why are you answering this?: Why do you care.
Ambition in Life: To be a Super star.
What is Love: Love is what you say when 'horny' doesn't sound right.
If you were a deodorant scent, what would you be?: Natural Scent.
Your film biopic's title would be: E-pal
One word that best describes you: Magnificent.
What can you say about PGMA?: She has a mole on her face.
How about Josepha Estrada?:His stomach is really big.
How about Angel Locsin?:Her face looks too small.
Your alter ego's name is:
Kokey
Dedication: World Peace.
Any Last Words?: Rrrawwrr.

I'M EVERYWHERE!
We're Just Friends...ter
Yahoo Me, Yahoo You

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

GIMME MORE! MORE...BLOGS
Allan Habon
Riley Palanca
Aio Arzadon
Cess Carlos
Leya Sumbeling

MY FANS SAY THAT...

A HISTORY OF PSYCHOSIS

Saturday, May 06, 2006

Jeepney: Isang Sentimetro Mula sa Peligro

Sa Tabi lang Po

i.kung paano magpara
sa probinsiya, nagjejeep lang kapag todo layo talaga ang pupuntahan mo. tipong galing isang city papunta sa nakaraang sibilisasyon.pero kung bibili ka lang naman ng shampoo sa isang mall dahil binabalakubak ka, pwede kang maglakad kung nagdedeliryo ka, pero mas maganda sana kung mag traysi ka o padyak di ba. yan yung malaking pagkakaibang nakikita ko sa pamumuhay sa isang lungsod na tanging kami lang ang may alam at dito sa kabisera ng isang third world country-quezon city.manila pala.
ii.kapag mali ang sukli
ano ba ang interesante tungkol sa jeep? araw-araw ata nakikisiksikan tayo dito pero wala namang espesyal sa "eye to eye" contact natin sa pasahero sa tapat, sa pagkalabit sa metal bars para di mahulog sa bangin, sa "pakiabot po" o kaya sa pagpara. kaya bakit ko ba pinapagod ang mga daliri ko sa pagtype ng blog na ito? ewan ko lang pero may buhay sa loob ng jeep.
iii.holdap to..
araw- araw akong nagjejeep papunta sa may katipunan. mainit talaga at malas mo kung wlang pambili ng deodorant yung katabi mo.
a. ang yellow lady
isang beses may kasakay akong ale.yellow na yellow siya, wala naman siyang hepa o alahas. tipong yellow talaga siya, yellow shirt na may malaking "BH!" (bitch?) na Bernadette Herrera, Iboto! pala. dagdag pa yung sumbrero niya na "BH!" yung pantalon niyang "BH!" at pati pamaypay na "BH!" ay kasama pa sa kanyang ensemble.
b.ang manyakas
may nakasakay din akong isang ale na super "in heat" kahit wala pang full moon. katabi ko yung honeybabes niya at siya sa bandang dulo. malikot na nga yung jeep aba'y mas malikot pa yung kamay niya sa kakayapos, kaka touch at kaka cariƱo kay honeybabes niya.minsan nga ay inisip kong na traumatize aKO sa pangyayaring ito at nagtangkang kasuhan sila ng acts of lasciviousness.
c.ang kahaponesa
nakasakay ko din si lola. nandun siya sa bandang pinto (may pinto ba ang jeep?).nakatingin lang siya sa mga dinadaanang kalsada. nagbayad si lolo ng anim, bakit daw anim lang sabi ni manong na parang in a high."senior citizen" sabi ni lola. wala akong karapatan pero naawa ako kay lola, matanda na siya, kulubot, mahina na. hindi siya yung mga lola na tipong aatakihin na sa puso ay nagbibitbit pa ng tone toneladang alahas sa leeg na cause ng asphyxiation.kawawa naman si lola, bakit nag-iisa lang siya? asan yung mga anak niya? bakit hindi siya sinamahan? alam ba niya kung saan siya papunta? kya pa ba niyang mag-isa?
d.nerd fellow
nakasakay ko rin yung taong tipong magiging ako two years from now. kahit parang lumilindol na ang buong mundo ay baon pa rin yung ilong niya sa libro. hindi ko alam kung napapasok niya talaga sa brain niya yung nasa libro o trip niya lang talagang nakatunganga sa harap ng isang jumbohalang encyclopedia.
e.ang madonno
kahit siguro presidente na ako ng pilipinas, hindi ko sila makakalimutan. last day nun ng classes ko nang makasay ko si birheng mario at si jessa krista.uy, blasphemous. marumi si mario(codename), halatang hirap sila sa buhay (sino pa ba ang hindi?!) matamlay, malungkot at nag eemote. akay akay niya si jessa krista(codename din).hindi ko alam pero pag tinitingnan ko yung mata ni jessa krista ay parang gusto kong maging santo.yun ata yung symbolic representation ng philippine penury, nagmamakaawa. ang liit ni jessa krista, kahit di ako expert ay alam akong malnourished siya. maluha luha ang mata niya noon at di ko talaga masikmura na titigan iyon dahil pakiramdam ko ay napakasama kong nilalang. ilang sandali lang ay nakatulog si jessa krista kaya bumaba na sila ni mario.
iv.manong sukli ko..
iba ibang buhay ang humihinto, nauupo at napag-iisa sa loob ng isang jeep. kahit pa sumasakay tayo dito dahil lamang gusto nating gumimik, pumasok sa skul o work o trip lang natin mahanginan ng polluted air, namumuo ang ugnayan natin sa mga taong hindi natin kilala.kaya siguro icon na ng city living ang jeepney, kasi para siyang mini version ng buhay sa isang siyudad kung saan nabubuhay ang lahat para na lamang sa ikatataguyod ng sarili. kaya sa bawat pagpara, pagbayad, paghinto, alalahanin nating nauupo tayo at nakasakay sa isang bagay na naglulan na sa libu-libo pang mga kaluluwa patungo sa kanilang destinasyon.para yatang nakakatakot.


Posted by Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
(8) choo choo