Super Psycho
super psycho(n.) an immensely disturbed individual who is obsessed with ranting, whining, and blabbering about his life. severely unstable and emotionally undefined, a super psycho should always be dealt with at a distance greater than 50 feet and, with some few doses of aspirin.
Nickname:Elp, Elf, Elfer, Elper, Emper, Empermeen, Buknoy, Boknoy, Bok, Mallawee Age: I am 15. And I mean it. Address: Honestly? Favorite Color: Green, Orange Favorite Food: Rodic's Jumbosilog Motto in Life: Abolish our selves. Favorite High School Subject: Biology Most Hated High School Subject: Values Education Most Unforgettable Experience: When I abolished my self. Most Embarrassing Experience: When I abolished my self. Who is your Crush: My self. Do you think autograph questions are dumb?: Super. So why are you answering this?: Why do you care. Ambition in Life: To be a Super star. What is Love: Love is what you say when 'horny' doesn't sound right. If you were a deodorant scent, what would you be?: Natural Scent. Your film biopic's title would be: E-pal One word that best describes you: Magnificent. What can you say about PGMA?: She has a mole on her face. How about Josepha Estrada?:His stomach is really big. How about Angel Locsin?:Her face looks too small. Your alter ego's name is: Kokey Dedication: World Peace. Any Last Words?: Rrrawwrr.
We're Just Friends...ter Yahoo Me, Yahoo You Allan Habon Riley Palanca Aio Arzadon Cess Carlos
|
Saturday, May 06, 2006 patay na si junichiro koizumi i.kailangan kong mag diet nung elementary ako ang taba ko. parang yung mga batang kina cast sa role ng mga chikiting na anak ng isang master chef/pabayang ina/milyonaryang caterer. hindi naman sa obese o yung sing tindi ng american model na si Teighlor na saturated na masyado ang katawan sa tabatabatubs, pero yun nga, mataba ako. yung tipong pag nakadaan ka sa isang kumpol ng walang modong bubwit eh tatawagin ka na lang na "tabatchoy!!tabatchoy!!wahahaha ang saya na ng buhay ko dahil tinawag kitang tabatchoy!!". pero, sus, ako maapektuhan nun, wla lang. kasi hindi naman yun ang topic ng blog ko eh, tungkol ito kay junichiro koizumi, hindi yung japanese pm, codename lang to kasi ito yung unang sumagi sa aking isip. ii.doctrina illuminada si junichiro koizumi ay ang kaibigan ko noong elementary.kaklase ko na siya dati at naging close din kami noong elementary. naglalaro kami noon ng beyblade sa lababo ng classroom at kasama ko siya gumawa ng model ng methane gas sa bahay. kasama ko siya noon umuwi lagi at tuwing bibili ng turon/palamig sa aming mabahong canteen.di tulad ko, pinagkaitan si junichiro koizumi ng nutrisyon, hindi naman sa mahirap siya at cant afford, wala lang ata siyang bituka. payat siya at mataba ako. pinagtutuksu kami noon dahil mukha raw kaming 10. sinagot ko naman na hindi ako pwedeng maging zero dahil may ulo ako, may tenga, kamay daliri, paa at iba iba pang protrusyon sa katawan kaya imposibleng bilog ako. wala silang masagot.pero joke joke lang naman yun kaya parang wala lang. iii.inaatake na si junichiro nung first year na kami.parang di na kami masyado nagsasama ni junichiro koizumi.hayskul kasi nagsimula yung pagkaweirdo ko eh. adicct na ako noon sa pagmumuni-muni sa socratic dialogue at the republic habang wala siyang magawa sa buhay kung hindi mag street fighter at makipagharutan kung kani kanino. grabe, nung hayskul parang nasa detour kami, pinili niyang pumunta sa kaliwa ta naligaw naman ako sa kanan. magmula noon parang kulangot na lang si junichiro koizumi sa mundo kong tambak ng sipon. nawala na lang siyang bigla. mabait kasi siya, minsan dumarating sa puntong hyper vulnerable na siya. kahit siguro pakainin mo sa kanya ang daliri niya gagawin niya para sa'yo. kaya approachable si junichiro koizumi, kasi santo talaga siya, pwede na siyang icannonize. eh ako, isa akong anghemonyo, alam kong hindi ako charitable-slash-superduperbaaet, pero sigurado akong hindi ako demonyong nangangain ng tao. kaya siguro *whoosh* sino ka-sino ako scenario kami. hindi na namin kilala ang isa't isa. iv. nagising na si hu jintao si hu jintao ang presidente ng china, alam naman nating may "tampuhan" ang japan at china. isang araw....napag isip isip ko na lang na parang nawala na parang laundered money ang pagkakaibigan namin ni junichiro koizumi. para kasing unnatural, pervert na may kaibigan ka tapos *poof* wala na wala na wahahahaha. pero hindi naman talaga siya ganun ka over the top. naisip ko lang, may mga bagay palang madaling mawala, mabuti pa iningatan ko na lang. pero ok lang naman, kasi kung isip isipn walang may kasalanan. pilosopo talaga ako at madunong, siya, happy go lucky-i dont give a damn-pero santo akong klase ng tao.nag oppose talaga kami. hindi kasi ako naniniwala sa opposites attract eh, well, hindi sa lahat ng bagay. ito talaga yung mga scenario na kahit idaan mo pa sa pagkapilosopo, talo ka pa rin dahil sarili mo lang ang niloloko mo. v.sawa na si hu jintao ilang beses ko narin naikwento ito, pinag-isipan, pinagsisihan, pinagtanto at tinulugan. nakakasawa na rin. ito kasing recollection ko ay parte ng aking artistic nourishment, kailangan kong magpahayag ng ideya araw-araw para hindi mangarag yung artistic side ko. yun lang, patay na sa akin si junichiro koizumi, kahit katxt ko siya minsan. ganun talaga, patay na siya, pero, humihinga parin si hu jintao.hinhinga ko ang hangin ng kanyang kamatayan. Labels: Friends Posted by (3) choo choo |