Super Psycho

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

super psycho(n.) an immensely disturbed individual who is obsessed with ranting, whining, and blabbering about his life. severely unstable and emotionally undefined, a super psycho should always be dealt with at a distance greater than 50 feet and, with some few doses of aspirin.

WHO THE HELL IS SUPER PSYCHO?
Name:Empermeen Mallawee
Nickname:Elp, Elf, Elfer, Elper, Emper, Empermeen, Buknoy, Boknoy, Bok, Mallawee
Age: I am 15. And I mean it.
Address: Honestly?
Favorite Color: Green, Orange
Favorite Food: Rodic's Jumbosilog
Motto in Life: Abolish our selves.
Favorite High School Subject: Biology
Most Hated High School Subject: Values Education
Most Unforgettable Experience: When I abolished my self.
Most Embarrassing Experience: When I abolished my self.
Who is your Crush: My self.
Do you think autograph questions are dumb?: Super.
So why are you answering this?: Why do you care.
Ambition in Life: To be a Super star.
What is Love: Love is what you say when 'horny' doesn't sound right.
If you were a deodorant scent, what would you be?: Natural Scent.
Your film biopic's title would be: E-pal
One word that best describes you: Magnificent.
What can you say about PGMA?: She has a mole on her face.
How about Josepha Estrada?:His stomach is really big.
How about Angel Locsin?:Her face looks too small.
Your alter ego's name is:
Kokey
Dedication: World Peace.
Any Last Words?: Rrrawwrr.

I'M EVERYWHERE!
We're Just Friends...ter
Yahoo Me, Yahoo You

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

GIMME MORE! MORE...BLOGS
Allan Habon
Riley Palanca
Aio Arzadon
Cess Carlos
Leya Sumbeling

MY FANS SAY THAT...

A HISTORY OF PSYCHOSIS

Saturday, May 06, 2006

teacher,teacher,paano ka gumawa?

i.tao si mam

simula grade one wala pa akong naka engkwentrong teacher. sino ba naman kasi ang gustong umaway sa isang 7 years old na hindi pa marunong makipagtalo.kaya siguro ang ganda ng buhay ko noon, placated lahat, walang nag mumura, walang naglilibak, walang nagpapa short quiz. pero nagbago lhat yun nung first year ako. komplikado kasi eh pero ok lang yan, nagboblog ako, natural sasabihin ko di ba?

ii.respetuhin si mam

sabi nila mabuti ka raw na estudyante pag kasundo mo lahat ng teachers. siyempre kung peace ka sa lahat ibig sabihin wala kang tendency na makipagsagutan, murahan, libakan, plastikan. pero ganun ba talaga ang basehan ng kabaitan? kahit pala patayin ko lahat ng mga intsik na kapitalista pero wala akong kaaway na teacher, mabait na ako? kahit pala tinulungan ko lahat ng mga landslide victims pero sinuway ko si mam, demonyo na ako?bakit ba si mam ang basehan ng kabaitan ng isang estudyante. bakit diyosa ba si mam? perpekto ba si mam? nirerespeto ko naman si mam ha. pero pano kung di niya ako nirespeto? mag gugood morning pa rin ba ako sa kanya?

iii. sambahin si mam

nirerespeto ko noon si mam. kahit minsan minsan ay naisip ko na ring hambalusin sa kanya yung desk o kaya duraan siya, sinabi ko sa sarili ko na tanging ang lahi lamang ni hitler ang kayang gawin yun. kaya taas noo ako kay mam, pero alam ko, hindi siya ganoon karesperespeto. math noon at siyempre hindi ako nakikinig, alam ko na kasi yung lesson at naiirita ako sa maling diction ni mam. ayaw ko kasi macorrupt yung "flawless" english vocabulary ko. kaya inipit ko yung notebook sa agriculture at sinimulan na naman ang aking super memorization powers.nalaman ko ang parts ng seed, pero akala ni mam wala iyong kabuluhan sa buhay ko, sa tingin ni mam ay mas mahalaga kung marunong akong mag divide ng mga letters ng alphabet. pinagalitan niya ako.papalabasin niya raw ako kung makita niya uli.

anak ng tupa si mam, first offense may warning na agad na kasing grave ng pagpapalabas. bakit pag pinalabas ka ba yun lnag yun? eh public embarassment yun kung hindi ba naman siya eengot engot. palibhasa baluktot ang reasoning niya, akala niya sarili niya lang ang dapat paniwalaan. nainis ako kay mam, so what sabi ko, nag memorize uli ako ng parts of a seed. tinutukan niya talaga ako. hinahanapan niya ako ng butas. simbilis pa ng snatcher, pinalabas niya ako. hindi ko na exactly matandaan yun pero yung feeling andito pa. napahiya ako. first time kong palabasin, hindi kasi ako yung tipong pinapalabas ng teacher eh. "Giiiit awtttt!!" sabi ni mam. kumunot ang noo ko sa pronunciation niya, sabay labas kasama yung notebook ko sa agriculture.

iv.nabuhay muli si wicked witch

lumabas ako nun. naupo ako sa corridor, medyo nag sink in na sakin yung pagpapalabas.so what sabi ko, tuloy pa rin sa pag-aral, lumabas si mam, pinaalis ako sa corridor. dun pumuyos yung tenga ko tiningnan ko siya ng parang kalabaw na mag aattack.parang sa maximum exposure. nabahala si mam, pero nagpigil ako. umalis na lang ako. nalaman ko na lnag na zero ako sa recitaion, sa quiz namin na pinagpawisan kong i perfect. demonyo si mam. siya pala ang apo sa tuhod ni hitler, kaya lang hindi siya mestiza at sabog ang ilong niya(ui,,,o.a).

v.hindi ako santo

sabi ng ilan sa very few concerned classmates ko, mag sorry daw ako. sabi ko "xet siya ako pinalabas niya tapos magsosorry pa ako?? sino yung dehado? sino yung napahiya?" magmula noon wala na akong pakialam kay mam. pero nagrerecite pa rin ako kasi sayang ng grade pero tumitingin na lang ako sa puno sa labas tuwing magsasalita kasi mas nirerespeto ko yung puno kesa sa kanya. MASAMA BA AKO?ALAM NIYO NA BA LAHAT NG KUWENTO? siyempre sisisihin niyo ako kung yan lang ang nalaman niyong angle. pero bago niyan, grabe na ang kabaluktutan ni mam sa akin. sinisingle out niya talaga ako. bago pa nun ay dinedegradfe niya na ako sa ibang section, sinasabihan niya sila na hindi naman daw talaga ako matalino. akala niya kasi alam niya ang basehan ng talino eh sa elocution pa lang tanga na siya. sabi niya pa mayabang ako, wala nga akong taong mapgyayabangan. sa bagay matagal na din yun, tatlong taon na nung first year pa ako. nakalimutan ko na rin pero yung mga kademonyohan ni mam, mamatay pa siya nasa utak ko parin yun.ang sama ko naman, pero kung ito yung amount ng anger na kailangan para icompensate yung mga ginawa niya sa akin, kahit umapoy pa ako ay wala akong pakialam. masama si mam.mas masama. pero nang mag 2nd year ako, nakita ko na lang siya na parang alikabok sa aking mundo. kasi nung time na yun lumawak talaga yung utak ko, nag mature ako, tipong rapid. narealize ko na from where i stand, mam is just a useless pebble. at least natutuhan kong umaccept ng criticism, ng insulto. salamat kay mam at tumindi yung resistance and immunity ko sa mga paninira. siya na mismo yung bumigay sa akin ng panlaban sa kanya, ang makapangyarihang ,tandandandan, mind. kaya kong isipin ang mga ginawa niya sa ibat ibang anggulo,teorya at pasikot sikot, at oo, mali siya at mali ako kung magpapaapekto ako sa kanya. natatawa na lang ako kay mam. kay kapag nasasalubong ko siya sa school ay wala siyang nakukuha sa akin kung hindi isang malamig na hininga, hindi siya karapat dapat sa isang good morning dahil ilang morning ko ang ginawa niyang impiyerno. mas mabuting malaman niya na hindi kao tipikal na estudyante na kahit isalvage mo ay bibigyan ka pa ng isang kutitap smile, ibahin niya ako, kaya ko siyang i x-ray at ipamukha sa kanya yung baho niya, aba galit talaga ako.

vi. tapos na ang lahat sa amin

kung tinatapos ko na ang lahat bakit ko pa ito sinasabi. iyan ay sa parehong dahilan kung bakit nariyan ang mga alaala ng mga patay, kung bakit may kasaysayan at mga bayani----dahil minsan na silang nabuhay at nangyari. tapos na ang lahat sa amin. na tone down ko na rin ang galit ko kay mam. pero kung mas nag-ingat sana siya noon, hindi sana ito nangyari, alam ko kasing wala akong kasalanan. ang kasalanan ko lang ay mayroon akong personalidad na kinayayamutan niya, at alam kong ang pagkakayamot na iyon ay bunga ng kanyang pagkamasarili. kung gusto niyang magalit, magagalit siya, sayang, ang bata pa naman niya kung umasta siya ay experienced na siya masyado sa pagtuturo.abat napaka kontrobersiyal ng aking blog ngayon, pero wala na sangang umungkat nito dahil unang-una, wala akong binaggit na pangalan. tanging ang nilahad ko ay katotohanan, at kahit kuwestiyunin nila ako at hamunin, hindi na ako gaya ng dati na sisimangot na lang. malas na lang niya at ng kanyang sidekick, hindi na nila ako masisindak.


Posted by Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
(3) choo choo