Super Psycho
super psycho(n.) an immensely disturbed individual who is obsessed with ranting, whining, and blabbering about his life. severely unstable and emotionally undefined, a super psycho should always be dealt with at a distance greater than 50 feet and, with some few doses of aspirin.
Nickname:Elp, Elf, Elfer, Elper, Emper, Empermeen, Buknoy, Boknoy, Bok, Mallawee Age: I am 15. And I mean it. Address: Honestly? Favorite Color: Green, Orange Favorite Food: Rodic's Jumbosilog Motto in Life: Abolish our selves. Favorite High School Subject: Biology Most Hated High School Subject: Values Education Most Unforgettable Experience: When I abolished my self. Most Embarrassing Experience: When I abolished my self. Who is your Crush: My self. Do you think autograph questions are dumb?: Super. So why are you answering this?: Why do you care. Ambition in Life: To be a Super star. What is Love: Love is what you say when 'horny' doesn't sound right. If you were a deodorant scent, what would you be?: Natural Scent. Your film biopic's title would be: E-pal One word that best describes you: Magnificent. What can you say about PGMA?: She has a mole on her face. How about Josepha Estrada?:His stomach is really big. How about Angel Locsin?:Her face looks too small. Your alter ego's name is: Kokey Dedication: World Peace. Any Last Words?: Rrrawwrr.
We're Just Friends...ter Yahoo Me, Yahoo You Allan Habon Riley Palanca Aio Arzadon Cess Carlos
|
Friday, July 04, 2008 Dahil Math Person na Ako, Let me Tagalog May problema ang Diliman sa: una: Tuition and other Fee increase, pangalawa: Taxi. Bakit kaya hindi pumuputok ang tambutso ng STAND UP sa mga Taxi sa campus? Hindi ba seryosong usapan yun? KAsi kung walang taxi eh hindi tayo makakauwi hindi ba? So kapag hindi tayo makakuwi, hindi tayo marerelax, thus hindi tayo magiging productive, thus hindi tataas ang output ng ekonomiya, thus, mamumulubi ang Pilipinas. Sana aksyunan 'to ng STAND UP at ng iba pang proactive/reactive/active/aggressive groups sa Diliman. Nahahassle na ako eh. LOL.
Maglakad ka naman ba galing SC papuntang School of Ewcon habang umuulan at bitbit ang mga labada mo, laptop mo at ang makapal mong libro sa Accounting. Shet, parusa ng langit. MAtapos to ng 45 minutes mong paghihintay sa wala, a.k.a, sa TAXI! Sabi nga ni John Dale habang nagpapalibre ako sa kanya ng katakam-takam na Tuna Kimbab at Kimchi ng Mashitta sa SC" 'Nangungutang ka na nga lang at nagpapalibre, tapos mag-Tataxi ka pa!" Haggard mag Jeep eh. As if naman naglipana ang SM North jeep sa Diliman. Dyosko, bakit ganito ang transpo system sa Pilipinas?! Doomed na talaga ang republika! +++ Umuwi nga pala ako sa Tabaco last Friday. At dilemma siya, as in MORAL dilemma. Dapat ba akong mag jeep na papuntang Cubao, kumain ng kimbab kasama ang high school friends ko, o pumunta sa Grand Pakain ng Org ko? Syempre, nakipagkita ako sa aking high school friends, kasi galing pa yung isa sa UP Baguio. At may pinagtataguan pa siyang Kas prof na minamanyak daw siya, LOL. Kaya ano ang solusyon? Magpalibre ng Kimbab sa Mashitta. Hulog ng langit ang kimbab. Bakit ngayong second year ko lang ito nadiscover? At kanina habang nagpalibre naman ako kay John Dale, mas heavenly siya kapag sabayan mo ng Kimchi. At syempre, tubig. So nung natapos na kami kumain eh sumakay na ako ng Bus sa Cubao, at umuwi na rin sila, sa Baguio, Los Banos, et cetera. +++ Sa Tabaco naman, parusa ang emceeing. Tuwang tuwa na sana ako at makikita ko na ang high school teachers ko after a year at makipag-kamustahan sa kanila. Kamusta naman at buong reception ay nasa taas ako ng stage at nagtatalak. Pero syempre, hindi naman ako nagrereklamo. ulul. After one year din ay nakita ko na ang mga high school friendships ko na naiwan sa Tabaco at inaasikaso na ang sarili nilang mga buhay. Medyo na hurt sila ng sinabi kong antataba na nila, at yung isa, si Mark, mukha nang masamang loob. Mean ba yun? Kaya bago ako umalis ay nagkwentuhan kami sa Jollibee habang ngumunguya at ngumangasab. At hinawaan ko na rin sila ng newfound hobby ko- ang karaoke. Shet nga lang at panaginip ang Timezone sa Albay. Kamusta rin ang mga mic na na flat na sa kakahulog, at amoy sapsap ang handle. Probinsya nga naman. Pero, hooray, singko lang ang isang kanta. Kaya todo sawa ka. Mabaho nga lang. Pangit magpaka-emo sa Tagalog so kunyari eh emotionless ang blog na ito. Pero nung nasa bus na ako pabalik ng Manila, na realize ko na namimiss ko rin pala ang dati kong buhay sa Albay. Mamimiss ko sila. Palibhasa, never ako nag karaoke nung high school pa ako. Kaya iniisip ko ngayon na umuwi samen every two months. Hayyy. +++ Sabi ni Richard, yung dormmate kong mahilig mag skinny jeans, OA daw ako. May something kasi kaming pinag-usapan, tapos bakit daw ang haggard ng mukha ko. Sabi ko kasi eh alas dos na ako laging natutulog kasi nagbabasa pa ako, nagsosolve [lol] and all that GCness. OA daw yun. At medyo napaisip ako kasi nadedepress na ako sa routine work kong buhay. Pag uwi sa dorm eh tulog muna, kain, tapos aral up to sawa. Parang, walang variety? Haha. Pero iniisip ko rin na hindi buong buhay UP ko eh mala Freshie na Kalay, lakwatsa, wentuhan at happiness lang. Siguro sa proseso ng progression, kailangan talaga gumapang at magpaka OC-all-you-want. So ayun, tuloy pa rin ako sa newly acquired study habits ko. At maghahanap na nga ako ng social life. Promise. Napapansin ko rin ngayon na natataranta ako kapag may isa akong lesson na medyo hindi nagagrasp [except sa Econ, haggard kasi]. Kaya ginagawa ko talaga ang laht para naman medyo ma-gets ko siya. At nafefreak out na ako sa sarili ko kasi nag-aaral na ako sa Math. Dyosko, something's WRONG na talaga. At ngayon naghahanap pa ako ng matututor-an na Koreano kasi kelangan ko talaga ng PERA kasi ang mahal ng ulam sa Rodics. Magkakasundo naman siguro kami kasi mahal ko na ang KIMBAB. +++ Pero ayos naman eh. Masarap mag-aral sa Ipil [molave what?joke] at yung weather ngayon, mala-Baguio, kaya nakakaaliw. Aircon na rin ang mga klase ko ngayon except sa Math, at, dyosko, Stat na malapit na sa langit pero mainit pa rin. Sabi ko nga sa mga floormates ko dati sa Kalay, nakakadepress mag-adjust, pero kebs lang sila, kumain na lang kami sa Pork Barrel, yung 4+1 na ulam na nakakabusog, parang piyesta lang eh. Iniisip ko tuloy na lumipat na sa KNL kapag uber emo na ako, pero, Ipil na nga lang. Ewan, isang buwan pa lang naman eh. Pero parang ang haba na ng panahon, effort na kasi eh, KSP ang acads. Nagpapasalamat lang ako sa bike, sa numbers [nyaha], at syempre, sa Mashitta. I love you Mashitta, pa-sponsor naman! Posted by (0) choo choo |